Your Browsing My Archives

Ang Karugtong…

October 3rd, 2006 Viewed 411 views

Namimis ko parin hanggang ngayon si luvski… alam ko namimis din ni yuna daddy nya, ngayon nga pag-tulog namin eh sabi nya “mommy kiss daddy!” sabi ko wala naman si daddy eh ang sagot naman nya “san punta? sakay airplane?” tapos tinanong ko sya “sino si batchuy?” sagot nya “si daddy!!” tuksuhan kasi namin yan ni luvski kasi sa sobrang kain kain namin nong andito sya nagsipag tabaan kami tapos tukso ni luvski sakin tabachuy eh sya naman tawag ko batchuy ibig sabihin mas mataba sya kasi baboy ibig sabihin ng batchuy hehehe yung tabachuy kasi medyo chuby chuby lang. Sarap kasi asarin ni luvski eh pikon kasi hehhee peace tayo luvski :kiss:

Nga pala kwento ko sa inyo yung kapatid kong bading dyoskopow may friendster pala ang bruhang yun at ang username na gamit is “angel_scart” charot! gamit pa talaga name ko actually sabi nya sya daw si “julianna palermo” at “anne curtis”… ambisyosa hehehe pero wag kayo ang daming trophy sa kakasali nya ng miss gay sa davao nagulat ako napuno ng trophy nya ang bahay namin. At hindi lang yun ang pc ko napuno na ng pictures nya nagpoposing na dito at nong malaman nyang mahilig ako mag kuha pictures eh sabi nya sakin gawin ko daw syang model. well, let me think naghahanap talaga ako ng model :razz: at least ngayon dalawa na ang model ko, si yuna at ang kapatid ko. Gusto rin nya palang magkaron ng blog turuan ko daw sya nakow chikadora ang bruha nakow actually madaldal talaga… May kahati na ako sa conditioner kooooo!!! :106:


ss_blog_claim=11d253ebfd2c1787ae61541957292b05