I miss scarty.com!
Oopss! Bago ko makalimutan na naman! Maraming salamat nga pala sa hostee ko na si Reyn sa christmas card na pinadala nya. Hindi ko yun inaasahan na magpadala sya ng card thru post mail kasi diba bihira nalang ang nagpapadala ng ganun dahil sa laganap na ang teknolohiya sa mundo kaya sayo reyn maraming salamat talaga :hug:
grabe miss na miss ko na ang aking munting tahanan dito sa mundo ng internet. Sobrang busy talaga ako sa work at sa medical namin. Kahapon kami naka sched for medical exam. Aga kong gumising eh 3am kasi sabi daw madaming tao at paunahan ng dating ang basehan kaya syempre 1st time kaya kailangan on time. Nag-isip ako pano makarating dun. ako naman si tanga hindi ko binasa maigi yung address kaya napunta kami sa main ng St. Lukes Medical Center hindi ko alam na dalawa pala yung St. Lukes isang main at isang extension at dun kami sa extension dapat, sa may taft yun kaya malayo pa kami. Habang sa loob ng taxi naglalakbay na naman ang isip ko pano kung ma-late kami? Baka pabalikin kami or ipa-resched or pano kung maging dahilan ng pagka-deny ng visa? oh noh! nakow pow sayang oras at pagod at pera pag nagkaganun :yikes: Mabuti nalang at 20 mins before 7:00am eh nakarating na kami at hindi naman ganun kahaba ang pila dahil nasa loob na lahat
Padating sa loob nakow ang daming forms na binigay sakin at lahat pupunan ko ng sagot. Nataranta ako dahil isa akong tanyag na malilimutin. Hindi ko kabisado ang address ni luvski at ni val sa chicago pati mga fone numbers nila. Pati yung bahay ng pinsan ko kung saan naka c/o kami. Pati narin birthday ko at birthday ni yuna hahaha nakakatawa ano? Actually alam ko kaso nalimutan ko lang kasi nagcram na ako dahil tatlong numero nalang matatawag na yung numero namin. At 1st page palang ng form ang nasasagutan ko :angry: Pano kasi hindi ko dala lahat ng documents sinadya kong hindi dalhin lahat dahil natatakot akong baka malimutan ko sa dami ng dala. Dinala ko lang kung ano ang ni-required dalhin. Kaya ayun wala akong mapagbasehan na information sa application forms namin. Buong araw kami kahapon dun sa St. Lukes nakalabas kami 4:30 na at hindi pa tapos ang papers namin. Kailangan bumalik the 2nd day at ngayon ang araw na yun. Kailangan mong ikutin ang buong floors ng St. Lukes mula ground flr to 5th floor akyat baba ka. Actually, madaming kapalpakan ang nangyari isa na dun ang sa pictures namin ni yuna. Sana nagdala ako ng extra pictures namin. Yan tuloy nagpa-pictures pa ako ulet dun sa labas ng center. Pano naman kasi ang nakalagay sa instruction na kailangan dalhin eh: Appointment letter from US embassy, passport and ONE US Visa photograph. Yun pala kailangan nila tatlo!
Ang hirap talagang maging Amerikano! :muted:
Ngayon ang 2nd day ng medical, maayos na ngayon wala ng masyadong tao. Kasi yung iba tapos na kahapon palang :grin: (bagal ko noh!). Pero ngayon maaga din kaming natapos nakalabas kami mga 2:30pm. De ko alam na 2 days pala ang bubunuin ko sa medical kaya kailangan kong madaliin ang taxi na maabutang bukas pa ang NSO para kunin ang CENOMAR copy ko kasi ngayong araw din ang released. Paalam ko kasi sa work 2 days lang absent ko pero sa kasamaang palad kailangan ko ulet mag-absent bukas. Lechugas naman kasi itong NSO 2 weeks kang pag-aantayin sa docu mo. Tapos palpak at kailangan mo pang balikan kinabukasan. Mali kasi yung address na nilagay nila pano nangyari yun diba? eh may record na nga ako sa nso. Bwisit talaga!
Pero yaan na atleast naka survive na ako sa nakakapagod na medical! Ika nga diba pag may nais ka, paghirapan mo! Yun! yun eh! Interview nalang weeeee lapit nahhhh! Sana hindi ma-deny! Wish me luck guys! At salamat sa lahat ng dumalaw at nagparamdam dito sa aking tahanan :puckerup::hug:
Pahabol ulet: Maraming thank you kay kitty for these cute scrap arts!


8 Responses to “I miss scarty.com!”
@noreen: hi sis ganda! dyan naman ako bilib kasi bihira silang pasukan ng virus pero makasarili parin sila kya nga maraming programs ang hindi pwede sa kanila. May pa eject eject pa eh sa windows pindot lang delete tapos na hehehe. Mga misis nga tayo mga kuripot buti nga ikaw slight lang ako big time kuripot! joke! de naman sa mga ibang bagay lang 
yay! haha. talagang inilagay pa pala dito ^__^
hmm.. kasi po.. mas gusto ko po ung thru snail mail kesa sa email.
para kasing mas special at mas may effort di ba? tsaka para maiba naman. namiss ko nga po ang iyong update ate.
naligaw ka pa ng st lukes.. hmm. kami din. muntik na. kasi ang alam nga namin na st lukes ay yung isa buti na lang may napagtanungan si mama. tapos ate, yung sinubmit namin sa st lukes na pix yun din yung ginamit nila sa visa! grr. ayun, sobra sobra tuloy kami ng copy. haha. tapos maarte pa di ba? may piling photographer pa silang nalalaman.
yung interview, parang formality na lang yan. basta po, yung tip ko sa iyo ate. magdala ka ng mga sweet pics niyo ng hubby mo. ^_^ good luck po!
hello scart! naku i hate din ung medical! hahahah.. ingat lagi!
hi, scart! ang dami palang dapat pagdaanan noh? at ang layo pa kailangan ka bumalik… wel, isipin mo na lang one step forward na yan to your utmost dream! =) me mga obstacles nga lang na dapat lagpasan =)again, good luck sa interview and take care always! =)
Naku, ako pa naman tinatamad sa mahabang pila! Buti nlng nung 2nd day mas OK.
Ingat parati!
hello there my dear! congrats sa inyo ni YUna! Malapit na din kayong magkakasamang buong family for your future. INgats and god bless!
hello there my dear! congrats sa inyo ni YUna! Malapit na din kayong magkakasamang buong family for your future. INgats and god bless!
always,
Lin




By: Noreen on Jan-23-07 at 10:52 pm
Safari 419.3 on
Mac OS X
From United States
sige sis titignan ko yung laptop na sinasabi mo. hanapin ko mamaya pag break ko sa work. 7:45am kasi dito–ke aga aga nagbabasa ako ng blog ko hahahahahahaha ADDIKKK!
Anyways, naku oo loyal fan ng Apple ang asawa ko. Hindi pa uso ang iPod meron na sya, binigay ng Apple kasi isa sya sa mga unang bumili ng laptop nila na PowerBook noon. At nang lumabas ang iMac ayun bumili agad!
Actually maganda ang Apple kasi alam mo hindi sya nava-virus. Or napapsukan ng spyware or nagka-crash. Yun nga lang programs nila kailangan sa kanila lang mabibili (na NAPAKAMAHAL!) Pero itong asawa ko talagang nabili sya kahit mahal! EH AKO, puro mga hacks at nakaw na pinapasa sakin ng mga barkada! Nilo-load ko sa PC ko! Hahahahahahaha AYOKO BUMILI! Buti nga kamo never binubuksan ni Jay ang PC ko kundi naku magugulantang sa dami ng illegal programs hahahahahahaha HAY BUHAY!