Ano kaya maganda title?

April 11th, 2007 Viewed 367 views

navy pier heheheh wala ako maisip na title kaya ibig sabihin wala title ang entry nato. Nong sunday nga pala nagpunta kami sa Navy Pier isa sa malaking pasyalan dito sa chicago. Lam nyo ba napakahirap pala mag-park dito. hirap na hirap yung friend namin maghanap ng park kasi lahat puno tagal namin nagpaikot ikot sa kalsada. Tapos nong nakahanap na, napakalayo naman dun sa area na pupuntahan namin kaya naglakad pa kami. Malayo na sobrang lamig pa talagang nanginig ako sa lamig sobra tas dun pa kami dumaan sa taas banda ng downtown sobrang lamig dun grabe nag-frozen mga daliri ko. Bat ganun sabi spring na dito pero sobrang lamig parin :biting: Pero kahit ganun syempre posing parin ang lola nyo para sa picture picture :grin:

Alam nyo ba kung ano temperatura sa araw na yan 25 fahrenheit. Ang lamig nyan grabe. How much more pa kaya kung winter season talaga umaabot sa negative ang temperatura. Pano na ako huhuhuhuhuhu :sick: pero syempre love ko ang snow :P


USA hatsa museum ng navy pierglass art museum

Image000Image002Image108

Nag-ikot-ikot nga lang pala kami dyan sa navy pier sight seeing… de kami sumakay ng rides mahal eh :shock: next time nalang. Tapos non sinundo namin si alain sa work nya at nagpunta na kami sa north side ng chicago may korean restaurant dun at dun kami nag-dinner. Alam nyo bang hindi ako marunong gumamit ng chop stick? Kamakailan lang ako natuto at yun nga natuto na ako kaya may pic ako dito na naka-chop stick hehehhe niloloko nga nila ako eh i-chopstick ko daw yung malaking buto ng beef nyek eh diba mahirap yun kunin huhuhu sabi ba naman yun daw ang huling pagsubok ko at kung nakuha ko yung buto ibig sabihin marunong na nga ako. Ayun nabuhat ko naman si buto hahaha :pan:


ito yung sinasabi kong taas ng downtown sa michigan ave. Lamig dyan promise…

O cge guys bye na. Tagal ko natapos entry na to ah pano kasi naglalaba ako at nagluluto for lunch sabay blog :haha:

Ayun miss ko parin ang pinas :dreaming:



6 Responses to “Ano kaya maganda title?”

Jump to comment form »

By: lin on Apr-11-07 at 5:13 pm
From United States
Mozilla Firefox Mozilla Firefox 2.0.0.3 on Windows Windows XP

awww kakatuwa naman one happy family! tee hee. uyyy oo malamig pa nga dyan. dito medyo ok2 na din. Pero wala lang, minsan malamig pa rin ang simoy nang hangin. Like last year, crazy pa din ang weather. Matindi dyan sa Chicago kapag winter. Tee hee grabe dyan as in promise! Sana magkita tayo one day ano? Nina valerie. Oi ha, kelan ka ba free para naman magkausap tayo sa phone. ingats!

Lin

By: Ceejoy on Apr-11-07 at 6:27 pm
From Canada
Internet Explorer Internet Explorer 6.0 on Windows Windows XP

ang lamig pa rin noh? medyo wala ata tayong difference kasi medyo sa itaas nyo lang kami [ontario, canada po ako :)].. late kasi dumating yung winter last 2006 kaya hanggang ngayon malamig pa rin.. kainis kasi gusto ko na talaga ma-feel ang spring haha pero wala pa rin :( anyways, maya maya andyan na rin ang spring hehe.. at ate, wag ka pala mag-alala kasi masasanay ka rin sa lamig, pramis :) anyways, mukhang masarap yung mga pagkain sa picture.. nagugutom tuloy ako :) congrats sa chopsticks :) hehe.. ingat :)

By: valerie on Apr-11-07 at 6:35 pm
From United States
Mozilla Firefox Mozilla Firefox 2.0.0.3 on Windows Windows XP

hehe ang cute ng pictures ang gaganda naman awww nag enjoy kayo ni Yuna and Jr ha..natutuwa ako para sa inyo scart kasi buo na finally ang family nyo… minsan bisitahin nyo ko sa work at ng makita nyo ko in actiion hehehhe love you sis!!!! kita tayo sa 16th huh! muah! xoxo.

By: chase on Apr-11-07 at 10:36 pm
From Norway
Mozilla Firefox Mozilla Firefox 2.0.0.3 on Windows Windows XP

Lovely pictures Scarty! And wow lots of delicious food as well!

By: Sherica on Apr-11-07 at 1:55 am
From Philippines
Mozilla Firefox Mozilla Firefox 2.0.0.3 on Windows Windows XP

Hi ate Scart! Namiss ko itong blog mo. Tagal din akong hindi nakapunta dito.

Aww ang ganda naman diyan sa Chicago. Buti nga at hindi pa umabot sa negative ung temperature? Ako dati nung nasa Aussie ako as in negative siya. Nakakanginig ung mga jaws ko eh gumagalaw na magisa. EKK. grabe lmao.

Ang sarap naman ng kinain niyo.at yung mga cups they are so cool xD

By: irish on Apr-11-07 at 7:15 am
From Philippines
Mozilla Firefox Mozilla Firefox 2.0.0.1 on Windows Windows XP

ate scart! namiss kita *hugs*

kakainggit ka naman, papasyal pasyal na lang kayo =) heehee, grabe naman ang lamig dyan, ako naman lamigin ako talaga. Ang cute nyo ni Yuna sa pic! =) Yung nakashades sya =) at nagulat naman ako, andaming food sa table! haha! =) ingat kayo lagi ate scart, god bless! mwah!

Leave a Reply

If you're new here or you changed your email add, your comment is held for moderation. I'll return comments as much as I can.





© 2009 My daily life experience…  Powered by Wordpress 2.6. Theme by Scarty. 35 queries. 0.282 seconds. Hits today: 140

ss_blog_claim=11d253ebfd2c1787ae61541957292b05