Layout expired!
tsk. Gaano ba katagal itong layout ko? Pati ako hindi ko na maalala. Kung pagkain pa ito sobrang expired na pwehh! :vomit: Pano kasi yung sinisimulan kong layout hanggang ngayon hindi ko na nabalikan para butingtingin ulet. Madami kasi hindrances eh. Si Naruto kasi eh hahahha
Alam nyo malapit ko ng matapos yung naruto nasa filler na ako. Nagulat si luvs kasi ang bilis ko makarating sa filler hehehe. At sabi din nya wag ko na daw panourin kasi baka daw ma-bored lang ako. Pero isip ko naman gusto ko panuorin, gusto ko tapusin hanggang sa final episode kaya ayun tatapusin ko nga sya
Kaya ako natagalan sa layout ko madami kasi akong gusto baguhin, although lahat ng plugins ko ay nalinis na at na-upgrade sa mga bagong version nila. Nagdagdag at nagbawas ng mga plugin. Nag-upgrade narin ako ng WP sa 2.2 version two weeks ago pero binalik ko ulet sa 2.1.3 kasi ayaw gumana nong ibang plugins. Nabangit ko na ata to ibang entry ko :D
Gusto ko maglagay ng index sa website ko para hindi yung entry ko ang bumangad agad. Gusto ko ng kunting privacy. At gusto ko rin incorporate na talaga dito yung photoblog. Naghahanap ako ng maganda photoblog plugins. Ayos na sana yung falbum eh kaso may kulang pa sana may bagong version ulet. Anyways, its time for me to work with my new layout kelangan tapusin na at isipin na kung ano dapat isipin hehehe minsan kasi na-didistract utak ko eh. Syempre i’m a mommy madami mas kelangan gawin kesa sa mgblog. Pero tatapusin ko na talaga layout ko nasimulan ko na sya kelangan nalang tapusin :geek:
I’ll end up my entry here. Until next time and have a gudnyt everyone :group:
10 Responses to “Layout expired!”
ayun ganun pala mag comment hehehe hehe sis gusto mo gawa kita ng layout hehe gagawan kitaaaa sige ano colors gusto mo ano style?? ganitong style??? heheh misshu!
hello ate =) matagal na nga itong layout mo noh? goodluck sa pagaayos ng site mo =p noon naghahanap din ako ng magandang plugin para sa photoblog pero wala akong makita na madaling plugin T_T
nagulat ako dun sa previous entry mo, nakakahiya naman extra pa ko, hehe.. anyways, youre welcome =) alam mo, natawa ko ng konti kasi may pagkakapareho tayo, tahimik lang din ako, hindi rin ako malambing at minsan pakiramdam ko bato yata ako.. maawain din ako ehh.. ayun, kaya siguro magaan talaga ang loob ko sayo, kasi may pagkakapareho tayong dalawa =)
ingat lagi ate =p mwah!
Hehe! Go go go Ate Scart! Okay naman ‘tong layout mo. Pero I understand the feeling na gusto mo nang palitan kasi matagal na. Hehe.
Hi kay Yuna! Wala lang. Iintayin ko ang photoblog mo ha. 
hello ate scart,
nasisi tuloy si naruto! hahaha
ako nga din gusto ko na palitan ang layout ko, nabubuwisit na ako kasi nawawala na naman yung installer ko ng photoshop ko, na uninstall ko kasi yun dahil install ko yung the sims 2. hahaha! ang laki ng files, napuno ata yung hard drive ko! haha
kakainis talaga,
OO nga, expired na! Hahaha! Need to change the layout na.
hi ate scart! hhmm. nakoo, speaking of naruto, hook na hook ako nyan kaya lang biglang di na ako nakahabol sa mga episodes nya. andami na nyang seasons diba ‘te? hhmm.. may shippuden rin diba? hehe… pero di ko napapanuod, plano ko nga mapanuod yun,, kahit sa youtube lang,. hehe.
anyways, goodluck sa layout na inaayos mo ngayon, ‘te.
uu nga ate eh.. nagupgrade ako ng new version, tas yung plugin ko katulad nung “audio player” di gumagana, kaya ayun, hindi ko naman alam kung paano ibalik sa dati, atasaka baka magulhan pa.. (through fantastico) so ayun, hindi ko magamit ngayon yung plugin na yun
anyways, ingat ate! mwah!
Uhmm. Naku di ko alam yang mga photoblog na yan! pero mukhang cool ahh. Matry nga. Kaso di me maxado magaling sa php eh like dun sa ibang plugins na super hirap ilagay! hahahaha!! Hay cant wait to see ur new layout.
Hahahha so you are a fan of Naruto. I find it cool actually. I havent watched it yet since I am hook to Bleach.
well, glad your bday went out fine. sayang walang pics =( anwyays ganun naman talaga eh, ganyan rin ako di ko sinasabi bday ko, pero syempre may nakakaalam at may nakakaalam kaya ganun. ha haa buti ka pa, ate scart tyaga mong mag lagay ng mga plugins ah, ako wala nako masyadong alam dyan hehee =) tong layie mo ok naman eh, journal na journal ang dating kaya ayus lang, love ko nga eh. pero if you’re making a new layout eh di maganda excited kami na makita yan=)
take care, ate! God bless
Leave a Reply
If you're new here or you changed your email add, your comment is held for moderation. I'll return comments as much as I can.




By: lin on May-31-07 at 8:42 pm
Internet Explorer 7.0 on
Windows XP
From United States
:D naintindihan ka namin. about doon sa entry mo tungkol sabi mo bato ka? uy haa. alam mo kasi ang tao hindi pare2ho. syempre merong affectionate. merong hindi, ganoon lang talaga yun. Pero hindi naman ibig sabhin nun masama ka na. I don’t think na masama ka. I think that mapagmahal ka rin na tao. yung mga nasa paligid mo lang ang nakakaalam nun at mga tunay mong friends at syempre family mo na nagmamahal sayo. hindi naman doon lang na-sukat yung pagmamahal at characteristics nang isang tao. saka syempre kanya-kanya tayong style and likes. it so happens na ganoon ang feel mong mga things. ingats ka there and I am glad nag-enjoy ka sa birthday mo. god bless!
always,
Lin