whoah 5 days….

April 3rd, 2007 Viewed 305 views

Ang bilis ng araw imagine 5 days na kami dito. De ko tuloy matandaan kung kelan kami nag-shopping hehehe basta namili kami bumili ako ng bagong capri pants at jacket pati si yuna bumili din ng bagong jacket nya. Sa pinuntahan naming tindahan puro mura yung binibenta. Nabili ko yung capri pants ng $16.00 at yung jacket $20.00 tas yung kay yuna $15.00 mura noh? pero mahal narin yan sa pinas hehehehe. May bili din si luvski na pants at slippers pati si boo yung pusa namin dito binilhan din namn ng bagong tulugan. Walang mall malapit sa lugar namin… yung mall na napuntahan namin eh sa downtown tas maliit lang sya… grabehan pa yung mall sa pinas.

Kanina marami akong nagawa kahit 1pm na ako nagising kasi pano 6:30 ng umaga na ako natulog hindi pa kasi ako sanay sa timezone dito. Ayun pag-gising nagluto ako kasi papasok si luvski at si alain sa work parehas kasi silang pang gabi. Pag-tapos naglinis ng kitchen ang dumi kasi eh heheheh grabe yung microwave nila puro stain na. Pagkatapos non nag-exercise ng 30mins may gamit kasi sina luvski ayos nagpapawis lang… yoko kasi tumaba ng ga-dambuhala :grin: Ang lalaki kasi ng mga taong nakikita ko sa kalye. Ang tataba ng mga puwet at dede hehehe… grabe yung mga black dito ang lalaki ng pwet nila :wink:

Ay nga pala nag-install ako ng windows vista dito sa laptop na gamit ko kagabi kaya ang tagal ko nakatulog. Super ganda yung interface, napaka-entertaining nya parang mac hehehe actually mas maganda pa sa mac. mamya tapos ng entry ko na to i-explore ko sya :reading:

Yung pic nga pala ni yuna sa taas kuha pa yan sa pinas ang cute nya kasi dyan :razz: Sa baba naman kuha yan nong namasyal kami sa downtown….

Picture 121



4 Responses to “whoah 5 days….”

Jump to comment form »

By: valerie on Apr-03-07 at 1:42 am
From United States
Mozilla Firefox Mozilla Firefox 2.0.0.3 on Windows Windows XP

woot si sister nag shopping abahness.. di ako sinama wahahahaha heheh san yun sa picture na kasama mo si Yuna? di pa ko nakapunta dun ah :106: heheheh inggit naman ako naka Vista na kayo ako din (kaso kailangan gawan ko muna ng recovery disk tong laptop ko) labyu!!! :later: tawag tawag lang.. muah.

By: THINZ on Apr-03-07 at 9:12 pm
From United States
Mozilla Firefox Mozilla Firefox 2.0.0.3 on Windows Windows XP

hi scart! andyan ka na pala sa chicago.. super happy tlaga kse sama na din kayo sa wakas.. well, enjoy your stay there

By: kitty on Apr-03-07 at 11:54 pm
From United States
Mozilla Firefox Mozilla Firefox 2.0.0.3 on Windows Windows XP

amerika, eh! kaya maraming mga obese na tao dito, kahit dito sa Hawaii talagang malalaki mga tao dito, eh ako mataba rin kaso pag sinasabi ko yun sabi ng mga kasamahan ko di raw ako mataba, maliit daw ang size ko, ngeks! pero yun nga natural na size nila yun, pero kakatakot diba, kasi magkakaron ka ng sakit pag ganun na kalaki ang size mo, anwyays about the microwave alam mo ba nung unang dating ko d2 sa Hawaii, yung microwave ng sis in law ko palibahasa walang time masyado dahil working mom nga ayun ang dumi dumi ng microwave nila, as in puro stain ng pizza, at kung anu anong microwaveable food, ako ayoko ng ganun, nakakainis tignan *lol* pero I understand your hubby, lalaki kasi eh, ganyan rin asawa ko, kaya tayo maglinis na lang hehhee. cute ni Yuna!! cute nyong dalawa! have a nice day, bigay mo sakin number mo try kita tawagan minsan on the weekends! love yahh

By: scarty on Apr-03-07 at 11:57 pm
From United States
Mozilla Firefox Mozilla Firefox 2.0 on Windows Windows Vista

kitty meoww hehehe salamat ha pero nahiya ako bigay sau # ko eh hindi kasi ako madaldal baka mabored ka :D