Get your own life…
Hay andito na si Manny “Pacman” Pacquiao at ang gara ng welcome treatment sa kanya. Marami na naman mga ingiterong pinoy ang nanggigil sa inis
Bat kaya ganun tayo imbes na maging proud eh binabagsak pa natin
i dont like pacman too but not to him kundi sa mga taong nakapaligid sa kanya alam nyo ba na nong araw ng laban nya inisip ko sana matalo sya para matigil na yung mga taong nakapaligid sa kanya. Pero naisip ko kung natalo sya wala na syang career at marami pa syang pinoy na pinahiya at yun alam ko ang naging inspirasyon nya. Pinakita nya sa sarili na kaya nyang panindigan ang sinasabi nyang mananalo sya sa laban nato at natutuwa ako na ang laban nya ay inihandog nya sa bawat pilipino. Na sa kasamaang palad ay hindi na-aapreciate ng lahat :33:
Hindi ako magtataka kung bakit ang iba satin ay sa ibang bansa namumuhay kasi walang kaunlaran sa bansa natin na ang pinapairal ay ang ingit. Alam nyo ba mas naging kilala ngayon ang pinoy sa ugaling “crab mentality”? Bakit kaya? LMAO to all haters of manny’s
Pwede ba! leave him alone and get your own life… just be happy and contented :reading:
Wala lang naisipan kong magpost ng ganito dahil dumadami ang haters ni manny. At naririndi na ako sa mga naririnig ko sa news at nababasa. Nga pala naglagay ako ng bagong plugins ang live archive at livesearch. kaso ayaw gumana ng liveserch ko pini-figure out ko pa. Updated rin yung link section ko.
Ayun lang, have a nice weekend guys! :puckerup:
20 Responses to “Get your own life…”
hayy, you got that right! shucks, ewan ko ba.. bakit nga ba mga ibang pinoy ganun ano? imbes maging proud eh ayan sila naiinis, naiinggit, etc. walang ibang gawin kundi pairalin ang crabmentality nila, no wonder a lot of pinoys aren’t successful dahil sa pag uugali nila. I’m not much a pacquiao fan coz I’m not really into boxing but everytime na nananalo sya proud ako ah! syempre bansang pinas ang binabandera nya, kaya dapat lahat tayo eh maging proud. =) nag rant eh ano! anyways, musta na mami? I know busy nga tayong lahat, pero ok lang yun. pag bablog natin eh isang outlet lang para ilabas ang sama ng loob, pagod at kung anu ano pa. pakikiss na lang kay Yuna mo, hope you guys are good.. take care!
@rose: kasi iba yung kay manny talagang lalong tumingkad ang pinoy sa pagiging mahusay dahil sa kanya. pano kasi naman kasali na sya sa mga elite boxers tulad ni mohammad ali diba bonga? saka hindi lang yun sya ang kauna-unahang pinoy ang inindorse ng nike kung hindi ako nagkakamali ha. saka de lang yun napasama pa sya sa mga international video games tulad ng EA Sports. :applause: ok lang puso ko mommy rose hehehe natatawa nga ako sa post ko eh :D
@kitty: hahaha ok lang kitty dito ka mag-rant. sure kikiss kita kay yuna. ito tulog na tulog na. salamat kitty :D
hindi ako masyadong maka-relate kay manny ate dahil pagtapos ng laban di ko na sya pinanood, masyadong shinoshowbiz ang buhay nya eh :np: experieance ko na lang sabihin ko :haha: naranasan ko na rin yong ganyan. imbes na matuwa para sa akin eh, kung anu-ano na ang sinasabi. mga leche. :angry: hindi kaya namana natin ito dati sa panahon pa ng mga kastila?
parang diniscuss ito nung history lessons eh, absent yata ako LOL
onga pala te…meron nung PERFUME novel sa powerbooks megamall! wheee! out of stock nga lang…nagpareserve na ako :D
hi scart musta ka na! ako eto ok naman sis. musta na si Yuna? uy kelan ka ba pupunta dito sa states? di ka pa ba susunod sa papa jr mo? dali na para makapag-eb hehehehe *hugs*
@chamie: hayaan mo ang mga taong ganun chamie uunlad din sila sa ginagawa nila 
@noreen: sana nga noreen, sana nga haayyy
ganon talaga! kahit ako nakaranas nang ganyan dito! kahit saan. di lang pinoy kahit ibang lahi like mga mexicano. masmatindi mang-back stabbing kesa sa pinoy! Spanish naman kasing namana na yung ugaling ganoon. kaya actually basta hispanic countries asahan mo merong ganoon. Napakahirap makisama yun lang masasabi ko. Dahil kahit anong best ang gawin mo wala pa din. Get well soon nga pala dahil meron kang sakit kamo. INgats!
nalabuan din ako sa ibang pinoy.. masyado ngang inggitero/a yung iba, hindi naman ako fan ni pacman, pero natuwa naman ako nung nanalo sya ^-^ pinoy pa rin naman yun. Yung iba kasi kung anu-anong sinasabi, kung makapagsalita parang di kababayan eh. haay. ang mga pinoy talaga :c
marami nag rereact tungkol dun sa pagpapatayo ng ribulto ni manny. so what? Gusto ni atienza mag tayo ng ribulto e. Hindi naman tayo required na pumunta sa baywalk at sambahin yung rebulto e so whats the big deal? May nabasa pa nga akong blog owned by a filipina blogger na nag sasabi na pacman is a “monkey” and that they would rather see a Lea Salonga statue sa baywalk rather than pacman’s. Hindi kaya stupid na talaga si atienza kung gawin nya yun. Ang hirap intindihin ng ugali ng ibang pinoy. Just beacuse pacman perhaps is the wealthiest person in the philippines right now, just because halos lahat ng pwede i-endorse na endorse na nya kaya yung ibang mga tao naiinis na sa kanya. So…ano dpat ikainis dun? How can you hate someone you dont even know personally? Reality is, people around the world didnt even know the philippines existed. and if they do know a little bit about the philippines, it’s just another third world country with nothing to be proud of. But thanks to “Pacman”, that view changed. never have i seen a filipino represent his country this much.
helo sis hay sa wakas makakapagcomment na din ako sa iyo, ewan ko dati pa laging error ang nalabas sa akin e, hay tama ka masyado ng mabenta yang si pacman tuwang tuwa ang lahat pero sa dami ng pera nia wala ata pa akong naririnig na nag-donate cia o anuman sa mga kababayan natin, kung anu-ano ang ginagawa nia sa pera nia e ang dami naman niyang pwedeng tulungan db.
Scarty!:) hello, agree ako dyan. isa ako sa mga nagsasawa o nauumay na kay Manny Paquiao, but we can’t erase the fact na talagang magaling ang lolo mo hehehe.He did a great job. Ang nakakainis kasi eh yung mga politician na gusto siyang gamitin! At yung pagsusugal nya ayaw nya tigilan. Syempre nauubos din ang pera db? Si Mike Tyson nga na millions of dollars pa ang kinita eh na bankrupt din. Well, wag sana mangyari sa kanya yun…
PS. about sa hosting, pasensya na absent ako nung tinuro sa school yun eh hehe… pano ba yun? give me some info about it ha? =)
@lin: ok lang yung maingit natural naman ata yun eh pero ang ilaglag at insultuhin ang kapwa pinoy dahil sa inggit ay de na tama yun.
@Irish: tama ka dyan irish. hayyyy tao nga naman!
@JR: luvski de mo mapigilan mag-react ano hehehe kasi lam mo ayaw ko din kay pacman eh pero sobra na yung mga naririnig ko sa news.
@trixie: Yun nga ang dapat kainisan ng mga tao ang mga politician hindi si manny naglalarawan talaga na karamihan sa mga pinoy ang ingetero. Saka wala na tayong paki kung ano man ang gawin ni manny sa pera nya kasi pinag hirapan nya yun at malaki na ang share nya sa tax dun palang malaki na ang tulong nya sa pinas hindi naman tayo pwd magdemand na tulungan ni pacquiao ang pinoy.
@rachel: Oo nga rachel, may error talaga ang blog nong mga nagdaang araw pero two days na syang naayos. may sira sa main server kahit ako de makapag post ng entry non.
Scart, i’m here ulit… you might want to read this, related sa post mo http://www.pinoyspy.com/2006/11/24/filipina-blogger-calls-manny-pacquiao-a-monkey , enjoy! ^_^
uy scart.. hello,. napadaan lang..
ganyan talaga ang sikat..
madaming ups and down… lilipas din yan.. pero atleast si manny, mayaman na.. mas mayaman pa ata sya sa pangulo ngayon.. !
sabagay ang pag boboxing eh hinde lang naman sa karangalan eh.. aba eh hirap din yang trabaho nya ah.. aba kung minalas malas sya eh .. madami din namang naaakisdente sa boxing..
kaya, kung baga eh pinaghirapan nya din yan..
weder weder laang yan!! swerte ni manny!!
mabuhay ang pilipino!!!
meronakong tanong sensya na offtopic ha, pano bang sa adsense pwede pakiemail namana ko? ingats sensya na.
I don’t think na naiinggit yung mga taong nanggigigil sa inis kay Manny. I think that they are just opinionated people with fearless opinions. Just sayin’.
hehehe.. pareho tayo, hindi ako talaga fan ni manny but i don’t hate him either. it’s the people around him we should hate because they are the ones making him look like someone else. si Manny, muka syang mayabang pero ang totoo simple pa rin sya, pag nakikita mo sya sa mga interview parang ang yabang nya pero ang totoo malokong tao kase, dinadaan nya sa biro kaya ang tingin ng iba mayabang. Mabait sya, he doesn’t want to turn anybody down. Hangga’t kaya nya, gagawin nya, kahit pagod na sya. Ginagawa nya dahil ayaw nyang isipin ng mga tao na yumayabang sya. Ang nkaka inis talaga ay ang mga taong dumidikit sa kanya kasi ginagamit sya, katulad nila Atienza. Pinipilit nilang tumakbo si Manny pero ang totoo, kung tatakbo si Manny hindi nya kailangan ng campaign, sasabihin nya lng na tatakbo sya at iboboto na sya ng mga fans nya. Dumidikit ang mga Atienza para gamitin ang pera nya. Kaya sana wag na syang tumakbo at naniniwala akong hindi sya tatakbo. Hay. Bwisit tlga mga taong manggagamit.
ay sorry napahaba na. nadala ako eh.. hahaha..
ingats! :D
hehehe.. pareho tayo, hindi ako talaga fan ni manny but i don’t hate him either. it’s the people around him we should hate because they are the ones making him look like someone else. si Manny, muka syang mayabang pero ang totoo simple pa rin sya, pag nakikita mo sya sa mga interview parang ang yabang nya pero ang totoo malokong tao kase, dinadaan nya sa biro kaya ang tingin ng iba mayabang. Mabait sya, he doesn’t want to turn anybody down. Hangga’t kaya nya, gagawin nya, kahit pagod na sya. Ginagawa nya dahil ayaw nyang isipin ng mga tao na yumayabang sya. Ang nkaka inis talaga ay ang mga taong dumidikit sa kanya kasi ginagamit sya, katulad nila Atienza. Pinipilit nilang tumakbo si Manny pero ang totoo, kung tatakbo si Manny hindi nya kailangan ng campaign, sasabihin nya lng na tatakbo sya at iboboto na sya ng mga fans nya. Dumidikit ang mga Atienza para gamitin ang pera nya. Kaya sana wag na syang tumakbo at naniniwala akong hindi sya tatakbo. Hay. Bwisit tlga mga taong manggagamit.
ay sorry napahaba na. nadala ako eh.. hahaha..
ingats! :D
wah. i was so sure ngcomment ako dito days ago.lol. nway, napadaan lang ako te..ingat kayo.
hi ate scart!!! oo nga bongga ang welcome party niya dito hay anlakas niya talaga sa madlang people noh? musta ka na? miss you na po! ingatz!! :D




By: rose on Nov-25-06 at 10:31 am
Mozilla Firefox 2.0 on
Windows XP
From United States
paano ba naman, yung ibang nagbigay ng karangalan sa bansa natin nung mga nakalipas na panahon eh walang ganyang special treatment.. si manny lang ata.. kaya ayun, madaming nagugulumihanan at nagugulat sa atensyon binibigay sa kanya ng gobyerno! kaya malalmang, yung ibang nakapagbigay ng karangalan sa atin di lang sa larangan ng sports, naiingit,..
pero syempre karangalan ng kababayan natin.. karangalan ng buong pilipinas
takecare.. oh ang puso ang puso..!! jokee!!