I’m sick…

November 7th, 2006 Viewed 305 views

Yes, i’m not feeling well for 3 days now. Nanghihina ako nilalagnat buti nalang andyan ang biogesic para magbigay ng sandaling ginhawa. Alam nyo habang nakahiga at nagpapahinga ako marami akong iniisip at isa na ang mga to…

Hindi ko maintindihan kung bakit ang tao ay hindi nauubusan ng problema. Minsan naiisip ko, ano kaya ang ginagawa ng Dyos? Ano kaya ang iniisip nya? Masaya kaya sya habang nakikitang naghihirap ang mga tao? Naniniwala ako Dyos. Hindi ako anti-christ. Naniniwala ako na kelangan natin gumawa ng tama para sa kabilang buhay ay mapabuti tayo. Pag may problema tayo or yung mga kaibigan natin lagi nating pinapayo na “Wag kang mag-alala pagsubok lang yan ng Dyos. Hindi nya tayo bibigyan ng pagsubok ng hindi natin kakayanin” pero bakit kailangan laging may pagsubok. Hindi lang ako, ikaw, tayo ang may problema mas marami pang iba dyan na mas malala pa ang dinadanas ngayon. Sabi kasi sa biblia mahal tayo ng Dyos. Pero bakit ganun? Kung mahal nya tayo bakit nya hinayaang tayo ay masaktan at dumanas ng hirap. Tayo ngang mga tao eh as much as possible hindi natin hinahayaang masaktan ang mahal natin sa buhay. Ang sabi, makapangyarihan sya sa lahat. So, bakit hindi sya gumawa ng paraan para wala ng taong naghihirap. Bakit ginawa nyang hindi pantay ang buhay ng bawat isa? Bakit may mahirap at mayaman? Bakit meron mabait at masama? Bakit may masaya at malungkot? Bakit nya hinayaang magkasala si eba at adan? Bakit nya ginawa ang mansanas kung ito pala ay pagmumulan ng kasalanan? Sa kabila ng katotohanang tayo ay tao lamang mas mahina tayo kumapara sa kanya… Ganun ba talaga ang dyos? Mahilig mamigay ng pagsubok? :dreaming:

Nagtataka siguro kayo kung bakit ako nag-iisip ng ganito kasi feeling ko hindi ako nauubusan ng pagsubok… Hindi pa ba sapat sa kanya ang minsang masira ang buhay ko? Hindi pa ba sapat sa kanya ang kunin nya agad sa akin ang pangalawang anak namin ng wala manlang dahilan? Hindi pa ba sapat sa kanya na nag-sasakripisyo kami ng asawa ko ngayon? Oo, nagkasala ako… pero akala ko ba nagpapatawad sya kung ikaw ay mag-sisi at hihingi ng tawad sa kanya? Naguguluhan ako kelangan kong maliwanagan…

Isa pa bakit pinapahirapan ng Dyos ang aking ina? Na kung tutuusin eh wala ng ginawa kundi sundin ang kagustuhan nya. Hindi marunong magsinungaling ang aking ina, madasalin sya at mapag-simba. Ni hindi nya ninais na yumaman. Wala syang hinahangad kundi mapabuti kami. Pero bakit ganun tumanda na syang kasabay ang pagsubok… Ano kaya ang iniisip ng dyos para sa kanya?

Kayo ano kaya ang iniisip ng dyos para sa inyo? Sa tingin nyo ano kaya ang ginagawa nya ngayon? Ang weird ko noh? :106: Mag papahinga muna siguro ako sa mundo ng “blog”…

Namimis ko na ang asawa ko wala kasi akong makausap eh… ang weird ko kasi eh tawag nga sakin ng asawa ko “manic-depressive”. Kasi madalas ko parin maisip ang mga depression nangyari sakin. Tuwing gabi marami akong iniisip na kung ano ano. Madalas nga pagmamatulog na kami, ang asawa ko naghihilik na, ako gising at nag-iisip parin. Gusto kong kumilos pero parang hindi ako makakilos ewannnn…. Sana makasama ko na ang asawa ko. Ang dami dami ng pagsubok ang binigay samin ng Dyos sana naman pahintulutan na nya kaming magsama :waiting:



14 Responses to “I’m sick…”

Jump to comment form »

By: Sarah on Nov-07-06 at 1:40 am
From United States
Mozilla Firefox Mozilla Firefox 1.5.0.7 on Windows Windows XP

Parehas tayo kasi parang may sinat ako ngayon. Pano maulan kahapon baka dahil dun. Kahit may payong ako syempre nauulanan paren ako. kaya mejo hilo ako ngayon :dizzy:

About God.. I don’t really wanna comment kasi alam ko MAHIRAP I EXPLAIN si GOD.
Sometimes I feel the same.. Minsan feeling ko nga wala na akong religion eh. Yung tamang relaxed lang.
Yung tamang I know someone or something greater is beyond everything we know.. I respect that, pero yung mga tamang rituals ndi ko ginagawa.. kasi I think it’s a waste of time. It’s a conspiracy!!! Haha, joke.. basta ganun.. gets mo naman siguro ako.. basta alam ko someone’s up there. And hindi nya required ng sobrang attention.

By: manzkee on Nov-07-06 at 4:00 am
From United States
Mozilla Firefox Mozilla Firefox 2.0 on Windows Windows XP

As far as I know, there’s no pleasure in following the ways of G-D. Just look at what he did to JE–S. He was an example to all of us. So, If you are tough enough to hold into your life right now. Trust me, you’ll rip tons of it’s fruits sooner.

My friend, I was touched by your post. I just wanted to tell you that I was once in your situation when my father died 18 years ago. My dreams collapsed, I thought it was the end of the world for me. But no! Now I realized that G-D has always “something better” for us that he is the only one who knows. Just hold on!

Take this as my xmas gift to you from “ECCLESIASTES 3″

There is an appointed time for everything,
and a time for every affair under the heavens.
A time to be born, and a time to die;
a time to plant, and a time to uproot the plant.
A time to kill and a time to heal;
a time to tear down and a time to build.
A time to weep and a time laugh;
a time to mourn and a time to dance.
A time to scatter stones, and a time to gather them.
a time to embrace, and a time to be far from embraces.
A time to seek and a time to lose;
a time to keep, and a time to cast away.
A time to rend, and a time to sew;
a time to be silent and a time to speak.
A time to love, and a time to hate,
a time of war and a time of PEACE!!!

By: kitty on Nov-07-06 at 5:52 pm
From United States
Internet Explorer Internet Explorer 6.0 on Windows Windows XP

aww.. poor dear.. anyways, sis lahat tayo pare pareho ng iniisip sa buhay. I guess God is like that. remember yung kwento ni Job? diba lahat eh kinuha sa knya pero he still loved God inspite of all the problems, yun na lang ang itinatatak ko na lang sa utak ko yun, sis na pagsubok lang yan, magiging matatag tayo sa lahat ng bagay. alam mo ba, sis eversince iniwan kami ng daddy ko pulos problema na lang ang naranasan namin.. dahil sa nanay ko na ginawa ang lahat mapabuti lang kami eh talagang nabaon sya sa utang lahat lahat, siniraan, etc. :angel: but somehow yung pananlig namin sa Diyos eh nasalba kami, basta it was a miracle, tagal naming naghirap, buti nga nakapagtapos na kami ng high school, pero sis muntik na kaming mag give up mag kapatid kamo, naransan namin mawalan ng ilaw at tubig, mapalayas sa bahay namin, walang makain, naiiyak tuloy ako habang tinatype ko to.. nahihiya man ako ishare pero totoo… sabi nga daw nila hindi lahat ibibiga:luvstruck:y sayo ng Diyos, ayus lang sakin yun… pero basta it was a miracle how I met my hubby and all that. gumaan ang buhay namin, and I thank God for that, syempre may problems pa rin pero di na katulad ng dati, tama lang ang buhay namin, di mayaman di rin mahirap, we just have to work hard, pray hard….. that’s life, we have to accept it. cheer up, sis mag relax ka na lang.. stressed ka lang, sis.. wag ka mag alala mag sasama rin kayo ni hubby mo, don’t worry…

By: kitty on Nov-07-06 at 5:53 pm
From United States
Internet Explorer Internet Explorer 6.0 on Windows Windows XP

and of course, I forgot to mention……………. LOVE KO LAYOUT MO!!!! take care!!

By: Scart on Nov-07-06 at 12:30 am
From Philippines
Mozilla Firefox Mozilla Firefox 1.5.0.7 on Windows Windows XP

@sarah: ganun din ako sarah feeling ko wala akong religion. dati hindi ko kinukwestyon si God. pero ewan de ko narin maintindihan ang mundo. salamat sa pag daan sarah este sarj :D

@manzkee: thanks for your gift it has a meaningful message. im not like this. i dont question God ever. but sometimes i just cant stop thinkin why we have to undergo trials. yeah it can make us more mature but… hayyy! yeah JUST HOLD ON!

@kitty: pasensya ka na kung madrama ang blog ko ngayon napaiyak pa tuloy kita. maraming salamat sa pagshare ng thoughts mo kitty i do really appreciate it. :hug:

By: skulgirltrx on Nov-07-06 at 12:35 am
From Philippines
Internet Explorer Internet Explorer 6.0 on Windows Windows XP

hi Scart! =)

Hay naku, kala mo lang yan ikaw lang may problema. Lahat naman tayo eh. Natutunan ko rin ito, “bad things even happen to good people”. Sabi nga nasa sa atin na daw kung paano natin ito tatanggapin, kung gusto mo daw ma-depress ikumpara mo ang sarili mo sa iba. Pero kung gusto mo daw mafeel na blessed, kailangan i-program natin ang ating mental computer, don’t wallow on the negative thoughts. Our past daw doesn’t have to determine our future, kaya let go of your past and learn to forgive. Leave it alone, get up and move on with your life.

Ang hirap noh? Kahit ako trying haaaard para ma-attain ito. Well, good luck sa ating lahat! =)

By: charles ravndal on Nov-07-06 at 3:27 am
From Norway
Mozilla Firefox Mozilla Firefox 2.0 on Windows Windows XP

Helllo Scarty! Hope you feel better soon! I am not feeling well as well but I just brush it off since have lots of work to do. Take care always and be sure to drink lots of liquids.

By: Chuckey on Nov-07-06 at 8:04 am
From Australia
Internet Explorer Internet Explorer 6.0 on Windows Windows XP

hay scart pare pareho lang tayo nang tanong sa dyos. bakit ganito? bakit ganyan? Mahirap talaga explain kung bakit me mahirap or mayaman, malungkot masaya. pero iisa lang ang alam ko. mahal tayo nang dyos. ganyan din ako minsan eh nawawalan nang pag asa nuon pa. pero walang mangyayari kung manghihina ka. dapat labanan mo ang mga pagsubok na dumarating sa buhay natin. sana makatulong kami sa iyo kahit papano. and i hope you feel better soon.

By: lin on Nov-07-06 at 8:07 am
From United States
Internet Explorer Internet Explorer 6.0 on Windows Windows XP

naku di pa ako nakakapagbukas nang email eh. sensya na pero thanks nang madami ha. Meron ako daming wento sobra
ingats and I love your new layout!

By: Grace on Nov-07-06 at 10:46 pm
From Philippines
Mozilla Firefox Mozilla Firefox 2.0 on Windows Windows XP

hi ate scart si grace to :smile:
kamusta ka na? mukhang depressed ka nga ngayon, ang dami mo masyadong iniisip, sana makabalik agad si kuya dyan para naman magsaya kayo ulit.

ako naniniwala din ako kay lord, ewan ko ba hindi naman ako mabait pero bakit kapag may gusto akong bagay eh, nakukuha ko naman, kahit matagal natututo akong maghintay, sa problema, madami na din akong naranasan pero hindi naman ganun kagrabe, isang probelama ng student, anak, problema sa pamilya, pero ito pa din ako, masaya pa din, ayaw ko kasing malunod ako sa kakaisip sa mga problema eh, baka hindi ko makayanan. pati ako naguguluhan na din, bakit nga ba sinasabi na “baka may magandang plans si lord para sayo”, eh bat ganun? dun ka masaya tas biglang mawawala, maganda ba yun? ano yung binabalak nya? parang ganun yung naiisip ko.. ahhhh

By: Thinz on Nov-07-06 at 2:41 am
From United States
Internet Explorer Internet Explorer 6.0 on Windows Windows 98

hi scart! yeah, balik na ko. i was trying to update yung WP ko kse, then ayun, nasira na, naibalik ko kse bago ako mag update, i copied lahat ng files from the server to the PC, i kept them, just in case. sigurista kse ako pagdating sa bagay na di ko masyadong alam gawin. hehehe. buti na lang!

neway, i feel you, minsan ganyan din questions ko, pero siguro nga, everything happens for a reason lang tlaga, tlaga lang sigurong he’s testing you kung hanggang saan mo kaya, kung susuko ka, kung mawawalan ka ng faith, so just hang in there, magkakasama din kayo ng hubby mo, just leave it up to him, just keep your faith & keep on praying, nakaka depress tlaga minsan ang mga problema, pero isipin mo na lang kahit sa dami ng problems na naibigay nya sayo, andyan pa din nman ang asawa & anak mo, those are his great blessings for you, para makatulong sayo in times like this.. problems are part of our life na, di na tlaga maaalis yan, siguro kung walang problems, napaka boring ng life natin, wala tayong matututunan, kaya din siguro binibigyan tayo ni God ng problems.

ingat ka lagi & i hope you feel better soon. *hugs*

By: Thinz on Nov-07-06 at 2:44 am
From United States
Internet Explorer Internet Explorer 6.0 on Windows Windows 98

oh & nabasa ko yung huli, yung dami nyo nang pagsubok ng asawa mo, don’t worry, just be thankful na kayo pa din ng asawa mo kahit magkalayo kayo.. ako nga minsan naiisip ko, ano ba yung mga binigay na pagsubok samen ni God noon, then in the end, mag be break din naman pala kme, pero naiisip ko ngayon, he’s still good with me kse kahit wala na kme, he’s still part of my life pa din kahit best friends na lang, so just hang in there lang, just be thankful for what you have, maayos din mga problems mo :hug: :kiss:

By: Talamasca on Nov-07-06 at 12:37 pm
From Philippines
Opera Opera 9.02 on Windows Windows XP

Aaw. I hope you get well soon.

And that depression thing goin on with you… It’s all in the mind. But if that’s chronic, you might wanna pay the doc a visit. :neutral:

Oh, and I’m loving your lay-out. :grin:

By: hanmae on Nov-07-06 at 5:36 pm
From Philippines
Internet Explorer Internet Explorer 6.0 on Windows Windows XP

aww…hope you feel better soon. with all that issues and stuffs. im going through a lot of that right now too. :s take care te.:hug: