Tumatanda ka na, tol.
Grabbed this from Trixie my friend. Natuwa ako sa msg nato. Nabukulan ako sapol na sapol eh LOL. Just wanted to share it with you guys para at least eh medyo matauhan tayo ng kunti
yung mga naka-highlight sapol na sapol ako dun hahahaha
- Nasa Friday Magic Madness na yung mga paborito mong kanta. Parang botika na ang cabinet mo. May multivitamins, vitamin E, vitamin C, royal jelly, tsaka ginko biloba.
- Dati, laging may inuman. Ngayon, nagkukumpulan na lang kayo ng mga kasama mo sa Starbucks at order ng tea.
- Wala na ang mga kaibigan mo noon. Ang dating masasayang tawanan ng barkada sa canteen, napalitan na ng walang katapusang pagrereklamo tungkol sa kumpanya ninyo.
- Wala na ang best friend mo na lagi mong pinupuntahan kapag may problema ka. Ang lagi mo na lang kausap ngayon e ang kaopisina mong hindi ka sigurado kung binebenta ka sa iba pag nakatalikod ka. Ang hirap nang magtiwala.
- Dati halos mamilipit ka sa upuan tuwing nakikita mo crush mo. Lalo na kung kissable lips at nakakatunaw ang katawan. Ilang beses ka nang sinita ng professor mo, pero tuloy ka pa rin sa hallucination mong kinakausap ka ng crush mo. Pero ngayon galit ka na sa kanila. Feeling mo lahat sila manloloko. Feeling mo wala sa kanilang seseryoso sayo. Gusto mo na lang ng anak ayaw mo na ng asawa.
- Mahirap nang makahanap ng totoong kaibigan. Hindi mo kayang pagkatiwalaan ang kasama mo araw-araw sa opisina (Not all the time, pero kadalasan). Kung sabagay,nagkakilala lang kayo dahil gusto ninyong kumita ng pera at umakyat sa tinatawag nilang “corporate ladder”. Anumang pagkakaibigang umusbong galing sa pera at ambisyon ay hindi talaga totoong pagkakaibigan. Pera din at ambisyon ang sisira sa inyong dalawa.
- Pera. Pera na ang nagpapatakbo ng buhay mo. Alipin ka na ng Meralco, PLDT, SkyCable, Globe,Smart, at Sun. Alipin ka ng Midnight Madness. Alipin ka ng tollgate sa expressway. Alipin ka ng credit card mo. Alipin ka ng ATM. Alipin ka ng BIR.
- Dati-rati masaya ka na sa isang platong instant pancit canton. Ngayon,dapat may kasamang italian chicken ang fettucine alfredo mo. Masaya ka na noon pag nakakapag-ober-da-bakod kayo para makapagswimming.
- Ngayon, ayaw mong lumangoy kung hindi Boracay o Puerto Galera ang lugar. Nasa bakasyon ka pa lang, iniisip mo na na next time out of the country naman: Thailand , tapos around the Europe tapos Mediterranean Cruise!
- Dati, sulit na sulit na sa iyo ang gin pomelo. Ngayon,pagkatapos ng ilang bote ng red wine, maghahanap ka ng San Mig Light o Vodka Cruiser.
- Wala ka nang magawa. Sumasabay ang lifestyle mo sa income mo. Nagtataka ka kung bakit hindi ka pa rin nakakaipon kahit tumataas ang sweldo mo. Yung mga bagay na gusto mong bilhin dati na sinasabi mong hindi mo kailangan, abot-kamay mo na. Pero kahit nasa iyo na ang mga gusto mong bilhin, hindi ka pa rin makuntento.
- Ang problema kasi sayo, nakikipagsabayan ka sa ibang tao. Feeling mo dahil lang na-achieve na nila ang isang bagay, kailangan ikaw din. Masyado ka kasing insecure. Naiinggit ka sa kanila. Gusto mong maging katulad ng kuya mo, gusto mong makipagsabayan sa kaibigan mo. Nabubulag ka sa ilusyon na pinapakita nila. Bakit? Sigurado ka ba talagang mas masarap ang buhay nila? Baka nga mas masaya ka pa e.
- Saan ka ba papunta? Tol, gumising ka. Hindi ka nabuhay sa mundong ito para maging isa lang sa mga baterya ng mga machines sa Matrix. Hanapin mo ang dahilan kung bakit nilagay ka rito. Kung ang buhay mo ngayon ay uulit-ulit ang hanggang maging singkwenta anyos ka na,magsisisi ka.
- Lumingon ka kung paano ka nagsimula. Sa totoo lang madali lang namang lumigaya sa mundong ito. Ikaw lang ang nagpapakomplikado - ang dami mo kasing gusto. Tigilan mo na yang mga reklamo mo. Ikaw ang nagbago, hindi ang mundo…
3 Responses to “Tumatanda ka na, tol.”
haha! sapul ka din pala! kala ko generation ko lang di hamak na you\’re so young compared to me.
glad you liked it. dami kasi gawa sa school kaya medyo nababablanko na naman ang lola mo.
nakaka-drain na rin kasi the whole day. i\’l update soon!
skulgirltrxs last blog post..i can feel that…
skulgirltrxs last blog post..i can feel that…
galing talagang hinahigh-light mo pa ha! di o naisip yun ah! haha!
skulgirltrxs last blog post..i can feel that…
Leave a Reply
If you're new here or you changed your email add, your comment is held for moderation. I'll return comments as much as I can.




By: kengkay on Jun-07-08 at 11:40 am
Mozilla Firefox 2.0.0.14 on
Windows XP
From Germany
arrrgh, ahahahaha. sapul din ako! pero alam mo, ako satisfied ako where i am now and what i am now, may mga kulang tulad nung mga matagal ng kaibigan sa tabi natin, yung pamilya kong nasa malayo, yung mga pagkain na di mo na matikman, yung mga panood ng sine at yung night outs pero paminsan minsan natitikman ko naman ulit yan e… may ibang flavor na nga lang kasi may bitbit na akong little kengkays at kengkoy :D
kengkays last blog post..EB with Chuva?