My day…

May 31st, 2007 Viewed 308 views

Ok naman ang Araw ko nong May 29. Magkasama kaming buong pamilya sa wakas after how many years. Madalas kasi kaming buo pag b-day ni yuna lang. Well, i don’t really celebrate my birthday. Hindi ko nga bino-broadcast bday ko eh. Hindi ako excited pagdating sa Araw ko. Wala lang, it’s just another day for me. Boring kasi ako hehehhee pero that’s the way I am. Kaya nagugulat ako pag may bumabati sakin ng Happy birthday :D mostly kasi hindi alam ng kaibigan ko kung kelan ang bday ko hindi ko kasi pinagsasabi pano ko masasabi ako nga nakakalimutan ko na bday ko eh :haha: Siguro dahil hindi malambing ang personality ko. Sabi nga sakin ng karamihan bato daw ako. I don’t directly show my feelings to the one i love and care. Hindi ako yung tipong mahilig magsabi ng “iloveyou” and “promises”. Kasi for me hindi sinasabi yun, ginagawa yun! Sabi nga diba “Actions speak louder than words”. Hindi rin ako madaling ka-bonding parang feeling ko kasi lagi akong iba sa kanila parang tipong laging “out of place”. Siguro lalaki ako sa past life ko. Pansin ko kasi mas enjoy ako sa gawaing lalaki at gamit ng lalaki. Ewan ko ba madalas nga ako sabihan ni luvs na “tomboy” daw ako heheheh but thats fine with me. Ang tomboy naman siguro hindi gumagamit ng make-up :D Basta ito lang ang one word na masasabi sakin ng malapit na kaibigan “mailap” daw ako :geek:

Gift ni IrishNevertheless, nagpapasalamat ako sa lahat ng bumati lalo na si Irish at may gift pa talaga sya sakin :oops: Naalala ko last December 2005 (click the entry). Si irish sya yung una kong naging kaibigan dito sa blogosphere. Sya yung unang dumalaw sa site ko (bukod kay valerie) kahit ang panget panget pa non as in wala pa akong kaalam alam sa wordpress or sa blogging. Kaya masasabi ko isa talaga syang tunay na kaibigan mapa-online man o offline. Nababasa ko sa personalidad nya. Basta yun ang nakikita ko sa kanya. Kaya dapat ako naman ang babawi sayo :D

To be honest, hindi ko binibigyan halaga lahat ng okasyon na may kaugnayan sa pagiging malambing. Hindi ko alam bakit maybe there’s really something strange on my personality. Maybe i’m a bad person or something. I don’t really know… meron lang isang bagay na napapansin ko sa sarili ko. Madali akong maawa sa mga ina-agrabyado at galit na galit ako sa nang-aagrabyado. Sa madaling salita weakness ko ang pagiging maawain pero for sure hindi ako malambing na tao :106:

…pero kahit na hindi ako malambing na tao it doesn’t mean na babaliwalain ko yung mga taong nagbigay halaga sa kaarawan ko. Kaya sa lahat ng bumati sakin, sa lahat ng nag-iwan ng mensahe sa comments, sa friendster, sa multiply, sa myspace at sa lahat pa ng nakakaalam ng “birthday” ko…. maraming maraming salamat! Magiging mabuti akong kaibigan, kamag-anak, anak at asawa (luvski) :apir: pangako yan! Mahal ko kayo :luvstruck:



Comments are closed.