Woohooo!!!
ayun kamusta kayo mga readers ng aking munting barong barong hehehe kamusta ka luvski de ka naman nagreply sa txt ko! amfness! :blah: txt ako ng txt kanina wala kang reply nagtatampo k ba? or galit ka ba? :angry: Well anyways, successful naman yung tagaytay namin kanina aga ko nagising 2 hours lang tulog ko mga 5:45am gising na ako wahehehhe excited makalaya sa lunga ko hahahha… so ayun una nakalanghap na ulit ako ng sariwang POLUSYON nong on the way kami to tagaytay and then pagdating ng sta.rosa medyo sariwa ng ang hangin at medyo malamig lamig na so damang dama ko na ang tagaytay ilang araw at buwan rin akong nangulila sa kanyang kagandahan, madalas kasi dati pagpumupunta kami ng batangas sumasaglit kami sa mushroom burger masarap ang burger dun hehhehe tapos non sasaglit ulit sa shell para umihi, opo, naalala ko yun at namimis ko na nakasama si luvski :muted: wala lang so ayun…
Nagpunta kami sa picnic grove sk sa people’s park ang ganda talaga ng tagaytay nilakad namin ang kahabaan ng kalsada papunta sa tuktok ng peoples park nabawasan ako ng 20% of calories hehehhe… tagaktak ang aming pawis lalo na si yuna pero masigla parin itong naglalakad parang walang kapaguran ang munti nyang tuhod.. tuwang tuwa ako kay yuna kasi napaka bibo nyang bata pati yung mga foreigner nabibighani sa kanya sabi ng isa “hello sweety…” sagot ni yuna “hayyyy…” na may pagkatinis na boses tapos habang sya ay humahakbang sa pahagdan na lupa sabi nya “ONE, THWO, TWEE, FOR, PIE, TSIKkk, TSEVEN, EIIIGHT, NINE, TIENNNNN…” hehehe nakakatuwa sya ano? Tapos nong pababa naman kami sya ay kumakanta ng abcd hindi nya gaanong nabibigkas pero tunog abcd at ito’y aking sinabayan ayun at naging buo narin ang kanyang pagkakabigkas… Matalino kaya sya? ano sa tingin nyo? Dapat na ba syang mag-aral pagsapit ng ikatatlo nyang kaarawan?
….nong kami ay pauwi na ngiti koy pagkatami-tamis pero nang kami ay dumating sa south express hi-way ngiti koy napalitan ng simangot at kulobot sa noo dahil sariwang hangin ay nagiba naging usok ng tambutso ng bus sa harapan ko waaaa!
———–
Ito na nga pala ang mga litrato, nagpakalunod kami sa camera at noon ko lang nalaman na napakiharap pala maging isang modelo buti nalang at hindi ako naging modelo :jaw: bwahahahha

una ito ang pasalubong sakin ng insan ko galing zambo isang Apollo Strawberry wafers. masarap yan fave ko yan eh hehehe

at ito naman ang “Buko Tart” ng tagaytay tama si talamasca, syang tunay na napakasarap nito. Pasalubong ko sana sayo tala eh kaso naisip ko pano ko naman ibibigay sayo? Kaya kinain nalang namin hehehhe

Kita nyo naman sadyang galit na galit ang araw sa mga oras na yun kaya aming balat ay namumula sa hapdi…

Tignan nyo! ang ganda ni mother nature ano?

ito na kami paakyat ng people’s park kasi ang ssakyan ay iniwan sa picnic grove para de doble ang parking fee hehehe, pansinin nyo si yuna lasing at ako naman ay may dala dalang manga with bagoong syemsss :27:

ayan pahinga muna… pagod na pero akoy nakangiti parin wohooo sarap ng hangin…

Hayss marahil ay pagod na ang kanyang munting tuhod at napaupo narin…

errkkk mommy? mommy! nabilaukan ata ako?
Marami pa, kaya Litrato ay itutuloy….
Kayo guys kamustang araw nyo? msaya naman ba? bukas ko nalang kayo bibisitahin ha? kasi mata ko’y nalalaglag na sa antok… mahal ko kayong lahat! Iboto nyo ako sa susunod na halalan wahhahahha :27::28::iloveu:
37 Responses to “Woohooo!!!”
ang cute naman ng baby mo, kelan kaya ako magkakaroon?
gusto ko na ring makalanghap ng sariwang hangin…hayy…i want to go back na dyan sa pinas.’
kainis ka ha, naglalaway na ako, nabasa ko lang yung mangga at bagoong…yummy!
nga pala, yup tunay na flesh yung tinutukoy ko sa blog ko, at 2 lang ang filipino rest d2, at d pa sila kasarapan magluto..hmff
buti naman at nasiyahan kayo sa inyong byahe ate! :steer:
ilang beses na akong nagawi sa tagaytay ngunit ni minsan ay hindi pa ako nakakakain sa kabuteng burger.
nakakatuwang karanasan lalo na kay yuna ang inyong nilakbay ate! habang bata pa sya eh nakikita na nya kung gano kaganda ang mga tanawin sa pilipinas :D at lalong nakakatuwa naman at marunong na syang magbilang at kumanta ng abc! puwede na siguro syang mag-aral sa kanyang edad, pero hmmm kaw po bahala parang ang aga pa kasi? siguro mga 5y/o puwede na? bahala kayo ahihi!
Waaaaah!!! Buko Tart!!! Hoy, taga-Cavite ako! Imus, to be precise! Mejo malapit-lapit lang sa Tagaytay! Sana dinaanan mo ko dito para ipamudmod mo ang pasalubong! Hehehe. Kidding aside… Wow! Ang saya saya! Nice to know na nag-enjoy kayo! Pang-alis talaga ng stress ang amg-nature tripping. Can’t wait for my summer vacation with my family! So, ditto: Woohoo!!!
*mag-nature tripping* Woot! Hehehe…
:moped: isang masayang trip pala ang nangyari wahehe. ayun, si talamasca ay taga-imus lang at pwedeng pwede mo sana siyang daanan kung sa aguinaldo hi-way kayo dumaan, kaso sa south expressway pala kayo dumaan, sa laguna na yun hehe.
kung nasa bahay lang ako ng mga oras n yun (bago ka dumating ng picnic grove lang ang aming bahay), eh di sana nakita ko ang cute na cute mong anak. (yung picture niyang parang nabilaukan ay super cute) wahehe.
ang saya sa tagaytay noh!! dapat ay nagpunta din kayo sa tagaytay zoo para nasulit ang trip! (tourism promotion na ito) hahaha
ang cute cute talaga nang anak mo ate! hahaha.. nakakatuwa sya! buti naman at nag-enjoi ka nang sobra..! wahehehe.. ako masaya ren naman araw ko.. ako pa? palagi naman atang ganun! wahahah.. mishue na!!
awwwwww yuna is such a cutie.. hehe If kasama ako with you guys.. most prob i’ll be just playing with yuna the whole time.
hahaha.
ANyways wheres the story about ur hand??
miss u!
waaaaaaaah! tagaytay! i so love that place! the cool breeze! the fresh air! heehhe. i wonder when will i step on that place again? huhuhu. anyway, buti nman nagenjoy ka. ang sayaa nman. hehehe. kami exam week na. hell week na nman. haay. baka maghiatus mode nako tomorrow. cge, un lng. ingatz.
awww kakamiss nman ang tagaytay! nice pics! ingatz lagi.
hello ate scart, naku nakakalaiw naman si yuna, hehehe, ang bibo niya as in, nakakatuwa… buti pa kayo may mga time pa kayo para magpicnic… haaya nakakainggit, kami nga eh, ang huling picnic namin nila mama siguro nung grade3 pa ata ako nun… asarness, nakakamiss.. heheh, love u ate scart mauh! takecare and god bless
hia! ^__^ daan lang po.. (: nice pics! ganda tlaga sa tagaytay.. kaso mainit na dun eh.. di na xa tulad ng dati na malamig. anywayz. sige po.. *muah*Ü
YAYY!! tagaytay pictures!! sorry ate scarty, ngyon ko lang nabasa blog mo, promise ngyon lang ulit ngablog hop eh, sana more pictures pa ha!! luv u, ate scart!!
Ate Scart!! Miss you na!!! :hug: Welcome back po! Hehe ang saya naman ng tagaytay! Plan namin dyan mag class outing pero try nalang sa Laguna. heehe. Ang cute cute talaga ni Yuna! I think she’ll grow up into a fine girl! Mas oki na energetic pa sya nung bata pa nh, heehee. You’re a lucky mom! hehe =) Wow ang sarap nmn ng mga choco and burger.. hehe nagugutom na tuloy ako. ahehee! =) :pan: :jump: Cge tc na po ah!! =)
ate scart!!! eheeheheh, musta na po?! miss you na! sensya na po ngayon lang po ulit nakadalaw!
love yah!!
Muzta na sis?
Miss na kita!
hay.. ang cute talaga ng baby mo sis.. ahihihi…
Ingatz ka lagi!
*just dropping by to comment!*
- - - - -XoXo- - - -
grabeh…as in ang cute nyo sa mga pics nyo te!..ang kulitt nong pic na mrami kayo…haha…at kyutiee ni daughtieee mo!!hahaha..someday..i wanna go nature tripping rin!…hehehe…inggit ako..grabehh!!
tke care lgi te!
ei! just passin by again.
wehww! nice piczz pu!!!
ingats lagi! mwahxxx :!:
:glass::apir: tagaytay wow scart inggit ako.. alala mo pa pala yung Mushroom Burger and shell momments natin nhu?? hahahahaha :neener: hehehe cute cute naman ni Yuna wow ang laki na nya and ang cute nya mag count nho? shempz nhu ang bayang bibo… shempz matalino
hehehehe juz like tita valerie bah… (kapal eh nhu) o cge cge papasok na ko sa work meya ulitttttt… labyah!
WHA?!!??! nagtagaytay kayong nde nyo ko sinama?!!??! BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH
jokies!
naman! andaming pagkain na nakapost! syit!!!! nakakagutom tuloy!!!!
wow ang sarap naman nakapunta kau sa tagaytay..ako kasi nakakapunta lang ako dyan kapag fieltrip namin LOL! nakapunta po ba kau sa palace in the sky, superrrr lamig at sobrang hamog ever don…kaso mataas siya eh. anyways, nakakatuwa naman si Yuna, hehehe…ung kapitbahay namin, anak ng ninang ko, 3 yrs. old palang nagaaral na, pra siguro mapractice magsalita..pano kasi ang daldal, kalalakeng tao…
ang sawap ng buko..wahh penge..hehe
sorry kung tagal kong di nakavisit dito ate ha..
take care!
hello ate scart! thank you sa pagbati mo huh c: lab yu xoxo much! mwah! *hugs*
nakakainggit ka naman, nagtagaytay kayu.. hihi.. c:
wow.. ate nakakainggit ka,,, gusto ko tuloy pumunta…
ang saya naman… hay… 
hi scart. nice pictures. and cute tlga ng daughter mo.. 
naku, mukhang masaya ang little outing nyo. ansarap ngayon sa tagaytay, medyo malamig-lamig :28:
hi ate scart ♥
tagaytay, isa sa mga paborito kong lugar sa pinas. ang ganda tlga ng air don, meju maginaw pero ganda talaga. super linis!! :apir: ang ganda ng pics nyo!! ang cute ni Yuna. mukhang pagod na pagod na nga sya tlga.. pero cute parin :kiss: mukhang enjoy na enjoy ka tlga gawa sa pics!! :bob:
ayan pala si spongebob :bob: ahihi.. fave na fave mo talaga!! akin na lang yng apollo strawberry wafers!!
wee… tagaytay… ang cute tlga ni yuna ate… she’s just like her mom…
btw ang sarapp ng buko pie na yan.. mis ko na yan ever… hiihi….
btw te… ang lalim ng tagalog mo..napakamatalinhaga… thats why i like reading it 
Ano ba yan ate scart! Ang sama sama mo!
….gusto mo ba talaga akong gutomin? :27::28:. It’s working pa naman
waaaaaa! Am hungry na! Nyahahaha. Matagal tagal na din akong di nakapunta sa Tagaytay ah haha. Medyo kasing lamig nya Baguio hhahaha.
Don’t worry ate scart, i’m sure miss ka din ni luvskiee mo! 
mukhang masalap yung apollo ah.. penge?
musta ka na?? mishu!!! :hug:
wow. last punta ko sa tagaytay eh 2 yrs ago ata? haha. i can imagne yer daughter. ang kyyuuuuuT!:28:
i agree wit wat u said up there. IE sucks. haha
I am happy to hear that you are doing well Scarty. I am also doing well here but a little tired.
hello ate scart, mishuee na update ka na muah! takecare and god bless
drop by lang ako.. di ka pa update huh?
ui mushroom burger! dumaan kami dun nung nagpunta kami ng caleruega dati. hehe. :D di ko sure kung ano pangalan nung pinuntahan namin sa tagaytay kasi i wasn’t paying attention nung pagpasok. hehe. basta nakakapagod umakyat at bumaba. yun lang. -_- hehe
namimiss ko na yang buko tart. taon taon may ganyan nung highschool dahil sa stop over sa fieldtrip/camping. hehe..
ang cute cute talaga ng mga bata. twee. hehe. :D
scartinessss asan ka na?? waaaah update na sis.. mishu!
nakss tagaytay escaped naman ang beauty mo hehe! mukhan genjoy kayo ha!
naku malimit kami dyan,. paano yung asawa ko eh taga silang.. malapit lang , miss ko na nga yung mushroom burger hehe.. nakapunt akayo dun?
anyway… sexy ka rin dayyyy!!
muahhh




By: noreen on Mar-17-06 at 5:47 am
Safari 417.8 on
Mac OS X
From United States
awwwww! ang saya saya naman nyan! Miss ko na talagA TAGAYTAY! Tambayan namin dati yan kasi malapit dyan school ko noon
hayyyy:luvstruck: